4Kapag nangako ka sa Diyos, tuparin mo agad ito. Tuparin mo ang ipinangako mo sa kanya dahil hindi siya natutuwa sa mga hangal na hindi tumutupad sa mga pangako.
5Mas mabuti pang huwag ka na lang mangako kaysa mangako ka at hindi mo naman tutuparin.
6Huwag kang magkasala sa iyong pananalita. At huwag mong sabihin sa mensaherong nasa Templo na hindi mo sinasadya ang iyong pangako sa Diyos. Dahil magagalit ang Diyos kung gagawin mo ito at sisirain niya ang lahat ng pinaghirapan mo.
7Ang sobrang pananaginip at pagsasalita ay walang kabuluhan. Sa halip, matakot ka sa Diyos.
8Huwag kang magtaka kung makita mo sa inyong lugar na ang mga mahihirap ay inaapi at pinagkakaitan ng katarungan at karapatan. Dahil ang mga pinunong gumigipit sa kanila ay inaalagaan ng mas nakatataas na pinuno, at ang dalawang ito ay inaalagaan ng mas mataas pang pinuno.