Ester 7

Sapagkat may gantimpalang ipinangako sa mga taong lilipol sa amin. Kung ipinagbili lang po kami para maging alipin, makakaya ko pong manahimik na lamang dahil hindi naman iyon mahalaga para gambalain ko pa kayo.”

Esther 7:4 (UKJV) For we are sold, I and my people, to be destroyed, to be slain, and to perish. But if we had been sold for bondmen and bondwomen, I had held my tongue, although the enemy could not countervail the king's damage.

2At habang umiinom sila ng alak, tinanong muli ng hari si Reyna Ester, “Ano ba talaga ang kahilingan mo? Sabihin mo na at ibibigay ko sa iyo kahit kalahati ng kaharian ko.”

3Sumagot si Reyna Ester, “Mahal na Hari, kung kalugod-lugod po ako sa inyo, iligtas po ninyo ako at ang aking mga kalahing Hudyo. Ito po ang kahilingan ko sa inyo.

4Sapagkat may gantimpalang ipinangako sa mga taong lilipol sa amin. Kung ipinagbili lang po kami para maging alipin, makakaya ko pong manahimik na lamang dahil hindi naman iyon mahalaga para gambalain ko pa kayo.”

5Sinabi ni Haring Asuero, “Sino ang nangahas na gumawa ng bagay na iyon at nasaan siya ngayon?”

6Sumagot si Ester, “Ang kumakalaban po sa amin at ang kaaway namin ay ang masamang si Haman.” Takot na takot si Haman habang nasa harap ng hari at ng reyna.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.