1Ito ang mga anak na lalaki ni Jacob na sumáma sa kanya sa Ehipto, kasama ang kanilang mga pamilya:
2sina Ruben, Simeon, Levi, Juda,
3Isacar, Zebulun, Benjamin,
4Dan, Neftali, Gad, at Asher.
5Ang bilang ng lahat ng lahi ni Jacob na sumáma sa kanya sa Ehipto ay pitumpu. Si Jose ay matagal nang nasa Ehipto.