14Maririnig ito ng mga bansa at manginginig sila sa takot. Lubhang matatakot ang mga Filisteo.
15Ang mga pinuno ng Edom at Moab ay manginginig sa takot, at ang mga pinuno ng Canaan ay hihimatayin sa takot.
16Tunay na matatakot sila. Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, silaʼy magiging parang bato na hindi nakakakilos, hanggang sa makadaan ang inyong mga mamamayan na inyong iniligtas, O Panginoon.
17Dadalhin nʼyo silaʼt ilalagay sa bundok na inyong ipapamana, ang lugar na ginawa nʼyong tahanan, O Panginoon, ang santuwaryong inyong itinayo.
18“Maghahari kayo, O Panginoon magpakailanman.”