Exodus 15

Dadalhin nʼyo silaʼt ilalagay sa bundok na inyong ipapamana, ang lugar na ginawa nʼyong tahanan, O Panginoon, ang santuwaryong inyong itinayo.

Exodus 15:17 (UKJV) You shall bring them in, and plant them in the mountain of yours inheritance, in the place, O LORD, which you have made for you to dwell in, in the Sanctuary, O LORD, which your hands have established.

15Ang mga pinuno ng Edom at Moab ay manginginig sa takot, at ang mga pinuno ng Canaan ay hihimatayin sa takot.

16Tunay na matatakot sila. Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, silaʼy magiging parang bato na hindi nakakakilos, hanggang sa makadaan ang inyong mga mamamayan na inyong iniligtas, O Panginoon.

17Dadalhin nʼyo silaʼt ilalagay sa bundok na inyong ipapamana, ang lugar na ginawa nʼyong tahanan, O Panginoon, ang santuwaryong inyong itinayo.

18“Maghahari kayo, O Panginoon magpakailanman.”

19Nang sumugod sa dagat ang mga kabayo, mga karwahe at mga mangangabayo ng Faraon, pinabalik ng Panginoon ang tubig ng dagat sa kanila. Ngunit ang mga Israelita ay naglakad sa tuyong lupa sa gitna ng dagat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.