Exodus 15

Nang sumugod sa dagat ang mga kabayo, mga karwahe at mga mangangabayo ng Faraon, pinabalik ng Panginoon ang tubig ng dagat sa kanila. Ngunit ang mga Israelita ay naglakad sa tuyong lupa sa gitna ng dagat.

Exodus 15:19 (UKJV) For the horse of Pharaoh went in with his chariots and with his horsemen into the sea, and the LORD brought again the waters of the sea upon them; but the children of Israel went on dry land in the midst of the sea.

17Dadalhin nʼyo silaʼt ilalagay sa bundok na inyong ipapamana, ang lugar na ginawa nʼyong tahanan, O Panginoon, ang santuwaryong inyong itinayo.

18“Maghahari kayo, O Panginoon magpakailanman.”

19Nang sumugod sa dagat ang mga kabayo, mga karwahe at mga mangangabayo ng Faraon, pinabalik ng Panginoon ang tubig ng dagat sa kanila. Ngunit ang mga Israelita ay naglakad sa tuyong lupa sa gitna ng dagat.

20Kumuha ng tamburin si Miriam na propeta at kapatid ni Aaron, at pinangunahan niya ang mga babae sa pagtugtog ng tamburin at pagsayaw.

21Inawit ni Miriam ang awit na ito sa kanila: “Umawit kayo sa Panginoon dahil lubos siyang nagtagumpay. Itinapon niya sa dagat ang mga kabayo at ang mga sakay nito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.