Exodus 24

Ikaw lang, Moises, ang makakalapit sa akin; ang ibaʼy hindi puwedeng lumapit. At ang taong-bayan ay hindi aakyat kasama mo.”

Exodus 24:2 (UKJV) And Moses alone shall come near the LORD: but they shall not come nigh; neither shall the people go up with him.

1Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Umakyat ka rito sa akin at isama mo sina Aaron, Nadab, Abihu at ang pitumpung pinuno ng Israel. Sumamba kayo sa akin sa malayo.

2Ikaw lang, Moises, ang makakalapit sa akin; ang ibaʼy hindi puwedeng lumapit. At ang taong-bayan ay hindi aakyat kasama mo.”

3Kaya pinuntahan ni Moises ang taong-bayan at inulit sa kanila ang sinabi ng Panginoon at ang mga tuntunin niya. Nagkaisa silang sumagot, “Lahat ng sinabi ng Panginoon ay susundin namin.”

4At isinulat ni Moises ang lahat ng sinabi ng Panginoon. Kinaumagahan, maaga siyang bumangon at nagpatayo siya ng altar sa may paanan ng bundok. Nagpatayo rin siya ng labindalawang haliging bato na kumakatawan sa labindalawang lahi ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.