Exodus 24

Kaya pinuntahan ni Moises ang taong-bayan at inulit sa kanila ang sinabi ng Panginoon at ang mga tuntunin niya. Nagkaisa silang sumagot, “Lahat ng sinabi ng Panginoon ay susundin namin.”

Exodus 24:3 (UKJV) And Moses came and told the people all the words of the LORD, and all the judgments: and all the people answered with one voice, and said, All the words which the LORD has said will we do.

1Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Umakyat ka rito sa akin at isama mo sina Aaron, Nadab, Abihu at ang pitumpung pinuno ng Israel. Sumamba kayo sa akin sa malayo.

2Ikaw lang, Moises, ang makakalapit sa akin; ang ibaʼy hindi puwedeng lumapit. At ang taong-bayan ay hindi aakyat kasama mo.”

3Kaya pinuntahan ni Moises ang taong-bayan at inulit sa kanila ang sinabi ng Panginoon at ang mga tuntunin niya. Nagkaisa silang sumagot, “Lahat ng sinabi ng Panginoon ay susundin namin.”

4At isinulat ni Moises ang lahat ng sinabi ng Panginoon. Kinaumagahan, maaga siyang bumangon at nagpatayo siya ng altar sa may paanan ng bundok. Nagpatayo rin siya ng labindalawang haliging bato na kumakatawan sa labindalawang lahi ng Israel.

5Pagkatapos, sinugo niya ang ilang mga kabataang lalaking Israelita na mag-alay sa Panginoon ng mga handog na sinusunog at ng mga toro bilang handog pangkapayapaan sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.