Exodus 24

At isinulat ni Moises ang lahat ng sinabi ng Panginoon. Kinaumagahan, maaga siyang bumangon at nagpatayo siya ng altar sa may paanan ng bundok. Nagpatayo rin siya ng labindalawang haliging bato na kumakatawan sa labindalawang lahi ng Israel.

Exodus 24:4 (UKJV) And Moses wrote all the words of the LORD, and rose up early in the morning, and built an altar under the hill, and twelve pillars, according to the twelve tribes of Israel.

2Ikaw lang, Moises, ang makakalapit sa akin; ang ibaʼy hindi puwedeng lumapit. At ang taong-bayan ay hindi aakyat kasama mo.”

3Kaya pinuntahan ni Moises ang taong-bayan at inulit sa kanila ang sinabi ng Panginoon at ang mga tuntunin niya. Nagkaisa silang sumagot, “Lahat ng sinabi ng Panginoon ay susundin namin.”

4At isinulat ni Moises ang lahat ng sinabi ng Panginoon. Kinaumagahan, maaga siyang bumangon at nagpatayo siya ng altar sa may paanan ng bundok. Nagpatayo rin siya ng labindalawang haliging bato na kumakatawan sa labindalawang lahi ng Israel.

5Pagkatapos, sinugo niya ang ilang mga kabataang lalaking Israelita na mag-alay sa Panginoon ng mga handog na sinusunog at ng mga toro bilang handog pangkapayapaan sa Panginoon.

6Kinuha ni Moises ang kalahati ng dugo at inilagay ito sa mga mangkok at isinaboy sa altar ang natirang kalahati.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.