4At isinulat ni Moises ang lahat ng sinabi ng Panginoon. Kinaumagahan, maaga siyang bumangon at nagpatayo siya ng altar sa may paanan ng bundok. Nagpatayo rin siya ng labindalawang haliging bato na kumakatawan sa labindalawang lahi ng Israel.
5Pagkatapos, sinugo niya ang ilang mga kabataang lalaking Israelita na mag-alay sa Panginoon ng mga handog na sinusunog at ng mga toro bilang handog pangkapayapaan sa Panginoon.
6Kinuha ni Moises ang kalahati ng dugo at inilagay ito sa mga mangkok at isinaboy sa altar ang natirang kalahati.
7Kinuha rin niya ang Aklat ng Kasunduan at binasa ito sa mga tao. At sumagot sila, “Susundin namin ang Panginoon, at gagawin ang lahat ng sinabi niya.”
8Pagkatapos, kinuha niya ang dugo sa mga mangkok at iwinisik ito sa mga tao, at sinabi, “Ito ang dugo na nagpapatibay sa kasunduan na ginawa ng Panginoon sa inyo nang ibigay niya ang mga utos na ito.”