Exodus 24

Kinuha rin niya ang Aklat ng Kasunduan at binasa ito sa mga tao. At sumagot sila, “Susundin namin ang Panginoon, at gagawin ang lahat ng sinabi niya.”

Exodus 24:7 (UKJV) And he took the book of the covenant, and read in the audience of the people: and they said, All that the LORD has said will we do, and be obedient.

5Pagkatapos, sinugo niya ang ilang mga kabataang lalaking Israelita na mag-alay sa Panginoon ng mga handog na sinusunog at ng mga toro bilang handog pangkapayapaan sa Panginoon.

6Kinuha ni Moises ang kalahati ng dugo at inilagay ito sa mga mangkok at isinaboy sa altar ang natirang kalahati.

7Kinuha rin niya ang Aklat ng Kasunduan at binasa ito sa mga tao. At sumagot sila, “Susundin namin ang Panginoon, at gagawin ang lahat ng sinabi niya.”

8Pagkatapos, kinuha niya ang dugo sa mga mangkok at iwinisik ito sa mga tao, at sinabi, “Ito ang dugo na nagpapatibay sa kasunduan na ginawa ng Panginoon sa inyo nang ibigay niya ang mga utos na ito.”

9Umakyat nga sa bundok sina Moises, Aaron, Nadab, Abihu at ang pitumpung pinuno ng Israel,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.