Exodus 24

Pagkatapos, sinugo niya ang ilang mga kabataang lalaking Israelita na mag-alay sa Panginoon ng mga handog na sinusunog at ng mga toro bilang handog pangkapayapaan sa Panginoon.

Exodus 24:5 (UKJV) And he sent young men of the children of Israel, which offered burnt offerings, and sacrificed peace offerings of oxen unto the LORD.

3Kaya pinuntahan ni Moises ang taong-bayan at inulit sa kanila ang sinabi ng Panginoon at ang mga tuntunin niya. Nagkaisa silang sumagot, “Lahat ng sinabi ng Panginoon ay susundin namin.”

4At isinulat ni Moises ang lahat ng sinabi ng Panginoon. Kinaumagahan, maaga siyang bumangon at nagpatayo siya ng altar sa may paanan ng bundok. Nagpatayo rin siya ng labindalawang haliging bato na kumakatawan sa labindalawang lahi ng Israel.

5Pagkatapos, sinugo niya ang ilang mga kabataang lalaking Israelita na mag-alay sa Panginoon ng mga handog na sinusunog at ng mga toro bilang handog pangkapayapaan sa Panginoon.

6Kinuha ni Moises ang kalahati ng dugo at inilagay ito sa mga mangkok at isinaboy sa altar ang natirang kalahati.

7Kinuha rin niya ang Aklat ng Kasunduan at binasa ito sa mga tao. At sumagot sila, “Susundin namin ang Panginoon, at gagawin ang lahat ng sinabi niya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.