Exodus 29

Linisin mo ang altar at italaga ito araw-araw. Gawin mo ito nang pitong araw. Pagkatapos nito, ang altar ay magiging napakabanal, at ang sinumang humawak nito ay magiging banal.

Exodus 29:37 (UKJV) Seven days you shall make an atonement for the altar, and sanctify it; and it shall be an altar most holy: whatsoever touches the altar shall be holy.

35“Sundin mo ang iniuutos kong ito sa iyo tungkol sa pag-ordina kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki. Ang seremonya ng pag-ordina ay gagawin nang pitong araw.

36Bawat araw, maghandog ka ng isang toro bilang handog para sa kasalanan upang maging malinis ang altar, at pagkatapos, buhusan mo ito ng langis para sa pagtatalaga nito.

37Linisin mo ang altar at italaga ito araw-araw. Gawin mo ito nang pitong araw. Pagkatapos nito, ang altar ay magiging napakabanal, at ang sinumang humawak nito ay magiging banal.

38“Dalawang tupa na isang taóng gulang ang ihandog mo sa altar araw-araw.

39Isa sa umaga at isa sa dapit-hapon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.