36Bawat araw, maghandog ka ng isang toro bilang handog para sa kasalanan upang maging malinis ang altar, at pagkatapos, buhusan mo ito ng langis para sa pagtatalaga nito.
37Linisin mo ang altar at italaga ito araw-araw. Gawin mo ito nang pitong araw. Pagkatapos nito, ang altar ay magiging napakabanal, at ang sinumang humawak nito ay magiging banal.
38“Dalawang tupa na isang taóng gulang ang ihandog mo sa altar araw-araw.
39Isa sa umaga at isa sa dapit-hapon.
40Sa paghahandog mo ng tupa sa umaga, maghandog ka rin ng dalawang kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng isang litrong langis mula sa pinigang olibo. Maghandog ka rin ng isang litrong alak bilang handog na inumin.