34Kung may matirang pagkain, sa kinaumagahan dapat itong sunugin. Hindi ito dapat kainin, dahil itoʼy banal.
35“Sundin mo ang iniuutos kong ito sa iyo tungkol sa pag-ordina kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki. Ang seremonya ng pag-ordina ay gagawin nang pitong araw.
36Bawat araw, maghandog ka ng isang toro bilang handog para sa kasalanan upang maging malinis ang altar, at pagkatapos, buhusan mo ito ng langis para sa pagtatalaga nito.
37Linisin mo ang altar at italaga ito araw-araw. Gawin mo ito nang pitong araw. Pagkatapos nito, ang altar ay magiging napakabanal, at ang sinumang humawak nito ay magiging banal.
38“Dalawang tupa na isang taóng gulang ang ihandog mo sa altar araw-araw.