Exodus 30

Balutin mo ng purong ginto ang ibabaw nito, ang apat na gilid, at ang parang sungay sa mga sulok nito. At lagyan mo ito ng hinulmang ginto sa palibot.

Exodus 30:3 (UKJV) And you shall overlay it with pure gold, the top thereof, and the sides thereof round about, and the horns thereof; and you shall make unto it a crown of gold round about.

1“Magpagawa ka ng altar na akasya na pagsusunugan ng insenso.

2Kailangang kuwadrado ito, labingwalong pulgada ang haba at ang lapad, at tatlumpuʼt anim na pulgada ang taas. Kailangan ding may parang sungay sa mga sulok nito na kaisang piraso ng altar.

3Balutin mo ng purong ginto ang ibabaw nito, ang apat na gilid, at ang parang sungay sa mga sulok nito. At lagyan mo ito ng hinulmang ginto sa palibot.

4Palagyan ng dalawang argolyang ginto sa ilalim ng hinulmang ginto sa magkabilang gilid ng altar, upang pagsuksukan ng mga tukod na pambuhat dito.

5Gumawa ka ng tukod na gawa sa kahoy ng akasya at balutan ito ng ginto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.