Exodus 30

Palagyan ng dalawang argolyang ginto sa ilalim ng hinulmang ginto sa magkabilang gilid ng altar, upang pagsuksukan ng mga tukod na pambuhat dito.

Exodus 30:4 (UKJV) And two golden rings shall you make to it under the crown of it, by the two corners thereof, upon the two sides of it shall you make it; and they shall be for places for the staves to bear it likewise.

2Kailangang kuwadrado ito, labingwalong pulgada ang haba at ang lapad, at tatlumpuʼt anim na pulgada ang taas. Kailangan ding may parang sungay sa mga sulok nito na kaisang piraso ng altar.

3Balutin mo ng purong ginto ang ibabaw nito, ang apat na gilid, at ang parang sungay sa mga sulok nito. At lagyan mo ito ng hinulmang ginto sa palibot.

4Palagyan ng dalawang argolyang ginto sa ilalim ng hinulmang ginto sa magkabilang gilid ng altar, upang pagsuksukan ng mga tukod na pambuhat dito.

5Gumawa ka ng tukod na gawa sa kahoy ng akasya at balutan ito ng ginto.

6Ilagay mo ang altar na ito sa harap ng tabing na nakatakip sa Kahon ng Kasunduan at sa takip ng Kahon, ang takip ng kapatawaran, kung saan ako makikipagkita sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.