Exodus 30

Ilagay mo ang altar na ito sa harap ng tabing na nakatakip sa Kahon ng Kasunduan at sa takip ng Kahon, ang takip ng kapatawaran, kung saan ako makikipagkita sa inyo.

Exodus 30:6 (UKJV) And you shall put it before the vail that is by the ark of the testimony, before the mercy seat that is over the testimony, where I will meet with you.

4Palagyan ng dalawang argolyang ginto sa ilalim ng hinulmang ginto sa magkabilang gilid ng altar, upang pagsuksukan ng mga tukod na pambuhat dito.

5Gumawa ka ng tukod na gawa sa kahoy ng akasya at balutan ito ng ginto.

6Ilagay mo ang altar na ito sa harap ng tabing na nakatakip sa Kahon ng Kasunduan at sa takip ng Kahon, ang takip ng kapatawaran, kung saan ako makikipagkita sa inyo.

7“Tuwing umaga, kapag mag-aasikaso si Aaron ng mga ilaw, magsusunog siya ng mabangong insenso sa nasabing altar.

8At sa dapit-hapon, kapag magsisindi siya ng ilaw, magsusunog siyang muli ng insenso. Dapat itong gawin araw-araw sa aking harapan ng susunod pang mga henerasyon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.