Exodus 39

Nilagyan nila ang palibot ng laylayan ng damit ng mga palamuting korteng prutas na pomegranata, na gawa sa hinabing pinong lino na binurdahan gamit ang lanang kulay asul, ube at pula.

Exodus 39:24 (UKJV) And they made upon the hems of the robe pomegranates of blue, and purple, and scarlet, and twined linen.

22Ginawa nila ang balabal ng efod gamit ang hinabing lana na purong asul,

23at may butas sa gitna para sa ulo. Hinabi ang palibot ng butas na ito na parang kuwelyo upang hindi ito mapunit.

24Nilagyan nila ang palibot ng laylayan ng damit ng mga palamuting korteng prutas na pomegranata, na gawa sa hinabing pinong lino na binurdahan gamit ang lanang kulay asul, ube at pula.

25Gumawa rin sila ng mga kampanilya na purong ginto at inilagay ang mga ito sa laylayan ng damit sa pagitan ng mga palamuting parang prutas na pomegranata.

26Magkasalit ang mga kampanilyang ginto at ang mga palamuting pomegranata sa palibot ng laylayan ng balabal at itoʼy isusuot ng pari kapag naglilingkod siya. Ginawa nila itong lahat ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.