4Lagyan mo ng magandang klase ng karne na mula sa parteng balikat at pata at isama ang mga buto nito.
5Ang pinakamagandang karne lang ng tupa mula sa kawan ang gamitin mo. Gamitan mo ng kahoy na panggatong para sa mga buto-buto. Pagkatapos, pakuluan mo itong mabuti kasama ang mga buto.
6“ ‘Sapagkat ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi: Kahabag-habag ang lungsod ng Jerusalem na ang mga mamamayan ay mamamatay-tao. Ang lungsod na itoʼy tulad ng kalderong kinakalawang at hindi nililinis. Kaya isa-isa mong kunin ang mga bahagi ng laman nito. Huwag kang mamimili.
7“ ‘Sapagkat ang pagpatay niya ay alam ng lahat: Ang dugo ng mga taong pinatay niya ay hinayaan niyang dumanak sa ibabaw ng mga bato at itoʼy nakikita ng lahat. Hindi niya ito tinabunan ng lupa.
8Nakita ko iyon at hinayaan kong makita iyon ng lahat. Ang dugong iyon ay parang sumisigaw sa akin na ipaghiganti ko sila.