Ezekiel 26

“Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon: O Tiro, magiging tiwangwang kang lungsod, isang lungsod na walang nakatira. Ibabaon kita sa malalim na tubig.

Ezekiel 26:19 (UKJV) For thus says the Lord GOD; When I shall make you a desolate city, like the cities that are not inhabited; when I shall bring up the deep upon you, and great waters shall cover you;

17At tataghoy sila nang ganito para sa iyo: ‘Paano kang bumagsak, ikaw na tanyag na lungsod na tinatahanan ng mga tao sa tabing-dagat? Makapangyarihan ka sa karagatan at kinatatakutan ng lahat.

18At ngayon, ang mga nakatira sa tabing-dagat ay nanginginig sa takot sa araw ng iyong pagbagsak; ang mga isla sa karagatan ay nasindak dahil sa iyong pagkawasak.’

19“Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon: O Tiro, magiging tiwangwang kang lungsod, isang lungsod na walang nakatira. Ibabaon kita sa malalim na tubig.

20Ililibing kita sa kailaliman kasama ng mga tao noong unang panahon. Mananatili kang wasak sa ilalim ng lupa kasama ng mga taong naibaon doon, at hindi ka na makakabalik sa lugar ng mga buháy.

21Tatapusin na kita, at nakakatakot ang magiging katapusan mo. Mawawala ka na at kahit hanapin ka, hindi ka na matatagpuan. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.