Ezekiel 26

At ngayon, ang mga nakatira sa tabing-dagat ay nanginginig sa takot sa araw ng iyong pagbagsak; ang mga isla sa karagatan ay nasindak dahil sa iyong pagkawasak.’

Ezekiel 26:18 (UKJV) Now shall the isles tremble in the day of your fall; yea, the isles that are in the sea shall be troubled at your departure.

16Ang mga pinuno ng mga tabing-dagat ay bababa sa kanilang trono, huhubarin ang kanilang mga damit panghari at naggagandahang damit-panloob. Uupo sila sa lupa na nanginginig sa takot dahil sa sinapit mo.

17At tataghoy sila nang ganito para sa iyo: ‘Paano kang bumagsak, ikaw na tanyag na lungsod na tinatahanan ng mga tao sa tabing-dagat? Makapangyarihan ka sa karagatan at kinatatakutan ng lahat.

18At ngayon, ang mga nakatira sa tabing-dagat ay nanginginig sa takot sa araw ng iyong pagbagsak; ang mga isla sa karagatan ay nasindak dahil sa iyong pagkawasak.’

19“Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon: O Tiro, magiging tiwangwang kang lungsod, isang lungsod na walang nakatira. Ibabaon kita sa malalim na tubig.

20Ililibing kita sa kailaliman kasama ng mga tao noong unang panahon. Mananatili kang wasak sa ilalim ng lupa kasama ng mga taong naibaon doon, at hindi ka na makakabalik sa lugar ng mga buháy.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.