Ezekiel 26

Ililibing kita sa kailaliman kasama ng mga tao noong unang panahon. Mananatili kang wasak sa ilalim ng lupa kasama ng mga taong naibaon doon, at hindi ka na makakabalik sa lugar ng mga buháy.

Ezekiel 26:20 (UKJV) When I shall bring you down with them that descend into the pit, with the people of old time, and shall set you in the low parts of the earth, in places desolate of old, with them that go down to the pit, that you be not inhabited; and I shall set glory in the land of the living;

18At ngayon, ang mga nakatira sa tabing-dagat ay nanginginig sa takot sa araw ng iyong pagbagsak; ang mga isla sa karagatan ay nasindak dahil sa iyong pagkawasak.’

19“Sinabi pa ng Makapangyarihang Panginoon: O Tiro, magiging tiwangwang kang lungsod, isang lungsod na walang nakatira. Ibabaon kita sa malalim na tubig.

20Ililibing kita sa kailaliman kasama ng mga tao noong unang panahon. Mananatili kang wasak sa ilalim ng lupa kasama ng mga taong naibaon doon, at hindi ka na makakabalik sa lugar ng mga buháy.

21Tatapusin na kita, at nakakatakot ang magiging katapusan mo. Mawawala ka na at kahit hanapin ka, hindi ka na matatagpuan. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.