13Sinabi sa akin ng tao, “Ang mga silid na ito sa gawing timog at hilaga na nasa gilid ng bakuran sa loob ay mga banal na silid. Sapagkat diyan kumakain ang mga pari ng mga napakabanal na handog na inihandog nila sa Panginoon. Gagamitin din nila ang mga silid na ito bilang lalagyan ng mga handog ng pagpaparangal sa Panginoon: ang handog na pagkaing butil, handog para sa kasalanan at handog na pambayad ng kasalanan. Sapagkat napakabanal ng mga silid na ito.
14Kapag ang mga pari ay lumabas na sa mga banal na silid na ito, hindi sila dapat pumunta agad sa bakuran sa labas. Dapat magbihis muna sila ng ibang damit bago sila pumunta sa bahagi ng Templo na para sa mga tao.”
15Matapos sukatin ng tao ang loob ng Templo, dinala niya ako sa labas. Doon kami dumaan sa gawing silangan, at sinukat niya ang kabuuang luwang ng Templo.
16Sinukat niya ng kanyang panukat na kahoy ang gawing silangan, at ang sukat ng haba nito ay 875 talampakan.
17Sinukat din niya ang sa gawing hilaga, kanluran at timog at pawang magkakatulad na 875 talampakan ang haba nito.