15Matapos sukatin ng tao ang loob ng Templo, dinala niya ako sa labas. Doon kami dumaan sa gawing silangan, at sinukat niya ang kabuuang luwang ng Templo.
16Sinukat niya ng kanyang panukat na kahoy ang gawing silangan, at ang sukat ng haba nito ay 875 talampakan.
17Sinukat din niya ang sa gawing hilaga, kanluran at timog at pawang magkakatulad na 875 talampakan ang haba nito.