12Ngunit dahil sumamba sila sa mga diyos-diyosan habang naglilingkod sa mga tao, at dahil din dooʼy nagkasala ang mga mamamayan ng Israel, isinusumpa kong pagdurusahan nila ang kasalanan nila, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.
13Mula ngayon, hindi na sila papayagang lumapit at maglingkod sa akin bilang pari. Hindi rin sila papayagang lumapit sa alinman sa mga banal na bagay o sa mga napakabanal na handog sa akin. Dapat nilang pagtiisan ang kahihiyan dahil sa kasuklam-suklam nilang ginawa.
14Gagawin ko na lang silang mga katulong sa lahat ng gawain sa Templo.
15“Ngunit ang mga paring Levita na mula sa angkan ni Sadoc na naging tapat sa paglilingkod sa akin sa Templo nang tumalikod ang mga Israelita ay patuloy na makapaglilingkod sa akin. Sila ang maghahandog sa akin ng taba at dugo, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.
16Sila lang ang maaaring pumasok sa Templo ko at makalalapit sa aking altar upang maglingkod sa akin. At sila lang din ang puwedeng mamamahala sa pagsamba sa Templo.