Ezekiel 44

“Ngunit ang mga paring Levita na mula sa angkan ni Sadoc na naging tapat sa paglilingkod sa akin sa Templo nang tumalikod ang mga Israelita ay patuloy na makapaglilingkod sa akin. Sila ang maghahandog sa akin ng taba at dugo, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.

Ezekiel 44:15 (UKJV) But the priests the Levites, the sons of Zadok, that kept the charge of my sanctuary when the children of Israel went astray from me, they shall come near to me to minister unto me, and they shall stand before me to offer unto me the fat and the blood, says the Lord GOD:

13Mula ngayon, hindi na sila papayagang lumapit at maglingkod sa akin bilang pari. Hindi rin sila papayagang lumapit sa alinman sa mga banal na bagay o sa mga napakabanal na handog sa akin. Dapat nilang pagtiisan ang kahihiyan dahil sa kasuklam-suklam nilang ginawa.

14Gagawin ko na lang silang mga katulong sa lahat ng gawain sa Templo.

15“Ngunit ang mga paring Levita na mula sa angkan ni Sadoc na naging tapat sa paglilingkod sa akin sa Templo nang tumalikod ang mga Israelita ay patuloy na makapaglilingkod sa akin. Sila ang maghahandog sa akin ng taba at dugo, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.

16Sila lang ang maaaring pumasok sa Templo ko at makalalapit sa aking altar upang maglingkod sa akin. At sila lang din ang puwedeng mamamahala sa pagsamba sa Templo.

17Kapag pumasok sila sa daanan patungo sa bakuran sa loob ng Templo, kinakailangang magbihis sila ng damit na gawa sa lino. Hindi sila dapat magsuot ng anumang damit na gawa sa lana habang naglilingkod sa bakuran sa loob o sa loob ng Templo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.