Ezekiel 44

Kapag pumasok sila sa daanan patungo sa bakuran sa loob ng Templo, kinakailangang magbihis sila ng damit na gawa sa lino. Hindi sila dapat magsuot ng anumang damit na gawa sa lana habang naglilingkod sa bakuran sa loob o sa loob ng Templo.

Ezekiel 44:17 (UKJV) And it shall come to pass, that when they enter in at the gates of the inner court, they shall be clothed with linen garments; and no wool shall come upon them, while they minister in the gates of the inner court, and within.

15“Ngunit ang mga paring Levita na mula sa angkan ni Sadoc na naging tapat sa paglilingkod sa akin sa Templo nang tumalikod ang mga Israelita ay patuloy na makapaglilingkod sa akin. Sila ang maghahandog sa akin ng taba at dugo, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.

16Sila lang ang maaaring pumasok sa Templo ko at makalalapit sa aking altar upang maglingkod sa akin. At sila lang din ang puwedeng mamamahala sa pagsamba sa Templo.

17Kapag pumasok sila sa daanan patungo sa bakuran sa loob ng Templo, kinakailangang magbihis sila ng damit na gawa sa lino. Hindi sila dapat magsuot ng anumang damit na gawa sa lana habang naglilingkod sa bakuran sa loob o sa loob ng Templo.

18Kinakailangang magsuot din sila ng turban na gawa sa lino at magsuot ng pang-ilalim na damit na gawa rin sa lino. Hindi sila dapat magsuot ng anumang makapagpapapawis sa kanila.

19At kapag lumabas na sila sa bulwagan sa labas na kinaroroonan ng mga tao, kinakailangang hubarin muna nila ang mga damit na ginamit nila sa paglilingkod at ilagay doon sa banal na silid, at saka sila magsuot ng pangkaraniwang damit upang hindi mapinsala ang mga tao sa kabanalan nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.