16Sila lang ang maaaring pumasok sa Templo ko at makalalapit sa aking altar upang maglingkod sa akin. At sila lang din ang puwedeng mamamahala sa pagsamba sa Templo.
17Kapag pumasok sila sa daanan patungo sa bakuran sa loob ng Templo, kinakailangang magbihis sila ng damit na gawa sa lino. Hindi sila dapat magsuot ng anumang damit na gawa sa lana habang naglilingkod sa bakuran sa loob o sa loob ng Templo.
18Kinakailangang magsuot din sila ng turban na gawa sa lino at magsuot ng pang-ilalim na damit na gawa rin sa lino. Hindi sila dapat magsuot ng anumang makapagpapapawis sa kanila.
19At kapag lumabas na sila sa bulwagan sa labas na kinaroroonan ng mga tao, kinakailangang hubarin muna nila ang mga damit na ginamit nila sa paglilingkod at ilagay doon sa banal na silid, at saka sila magsuot ng pangkaraniwang damit upang hindi mapinsala ang mga tao sa kabanalan nito.
20“Hindi rin sila dapat magpakalbo o magpahaba ng buhok, dapat lagi silang magpagupit.