Ezekiel 44

Sila lang ang maaaring pumasok sa Templo ko at makalalapit sa aking altar upang maglingkod sa akin. At sila lang din ang puwedeng mamamahala sa pagsamba sa Templo.

Ezekiel 44:16 (UKJV) They shall enter into my sanctuary, and they shall come near to my table, to minister unto me, and they shall keep my charge.

14Gagawin ko na lang silang mga katulong sa lahat ng gawain sa Templo.

15“Ngunit ang mga paring Levita na mula sa angkan ni Sadoc na naging tapat sa paglilingkod sa akin sa Templo nang tumalikod ang mga Israelita ay patuloy na makapaglilingkod sa akin. Sila ang maghahandog sa akin ng taba at dugo, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.

16Sila lang ang maaaring pumasok sa Templo ko at makalalapit sa aking altar upang maglingkod sa akin. At sila lang din ang puwedeng mamamahala sa pagsamba sa Templo.

17Kapag pumasok sila sa daanan patungo sa bakuran sa loob ng Templo, kinakailangang magbihis sila ng damit na gawa sa lino. Hindi sila dapat magsuot ng anumang damit na gawa sa lana habang naglilingkod sa bakuran sa loob o sa loob ng Templo.

18Kinakailangang magsuot din sila ng turban na gawa sa lino at magsuot ng pang-ilalim na damit na gawa rin sa lino. Hindi sila dapat magsuot ng anumang makapagpapapawis sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.