Ezekiel 44

At kapag lumabas na sila sa bulwagan sa labas na kinaroroonan ng mga tao, kinakailangang hubarin muna nila ang mga damit na ginamit nila sa paglilingkod at ilagay doon sa banal na silid, at saka sila magsuot ng pangkaraniwang damit upang hindi mapinsala ang mga tao sa kabanalan nito.

Ezekiel 44:19 (UKJV) And when they go forth into the utter court, even into the utter court to the people, they shall put off their garments wherein they ministered, and lay them in the holy chambers, and they shall put on other garments; and they shall not sanctify the people with their garments.

17Kapag pumasok sila sa daanan patungo sa bakuran sa loob ng Templo, kinakailangang magbihis sila ng damit na gawa sa lino. Hindi sila dapat magsuot ng anumang damit na gawa sa lana habang naglilingkod sa bakuran sa loob o sa loob ng Templo.

18Kinakailangang magsuot din sila ng turban na gawa sa lino at magsuot ng pang-ilalim na damit na gawa rin sa lino. Hindi sila dapat magsuot ng anumang makapagpapapawis sa kanila.

19At kapag lumabas na sila sa bulwagan sa labas na kinaroroonan ng mga tao, kinakailangang hubarin muna nila ang mga damit na ginamit nila sa paglilingkod at ilagay doon sa banal na silid, at saka sila magsuot ng pangkaraniwang damit upang hindi mapinsala ang mga tao sa kabanalan nito.

20“Hindi rin sila dapat magpakalbo o magpahaba ng buhok, dapat lagi silang magpagupit.

21Hindi rin dapat uminom ng alak ang pari kung pupunta sa loob na bakuran ng Templo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.