Ezekiel 44

Ang pagkain nila ay magmumula sa mga handog na pagkaing butil, handog para sa kasalanan, at handog na pambayad ng kasalanan. Ang lahat ng bagay sa Israel na itinalaga para sa akin ay para sa kanila.

Ezekiel 44:29 (UKJV) They shall eat the food offering, and the sin offering, and the trespass offering: and every dedicated thing in Israel shall be theirs.

27bago siya makapasok sa bakuran sa loob ng Templo at mag-alay ng handog para sa kasalanan para sa kanyang sarili, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.

28“Walang mamanahing lupa ang mga pari ng Israel, dahil ako ang magbibigay ng mga pangangailangan nila.

29Ang pagkain nila ay magmumula sa mga handog na pagkaing butil, handog para sa kasalanan, at handog na pambayad ng kasalanan. Ang lahat ng bagay sa Israel na itinalaga para sa akin ay para sa kanila.

30Ang pinakamagandang unang ani ninyo at mga natatanging handog para sa akin ay para sa mga pari. Bigyan din ninyo ng inyong pinakamagandang klase ng harina ang mga pari, upang pagpalain ang sambahayan ninyo.

31Ang mga pari ay hindi dapat kumain ng anumang ibon o hayop na basta na lang namatay o pinatay ng ibang hayop.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.