25Huwag nilang dudungisan ang sarili nila sa pamamagitan ng paghipo sa bangkay, maliban lang kung ang namatay ay kanyang ama o ina, anak o kapatid na wala pang asawa.
26Kapag nakahipo siya ng bangkay, kailangan niya ang paglilinis at maghintay ng pitong araw,
27bago siya makapasok sa bakuran sa loob ng Templo at mag-alay ng handog para sa kasalanan para sa kanyang sarili, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.
28“Walang mamanahing lupa ang mga pari ng Israel, dahil ako ang magbibigay ng mga pangangailangan nila.
29Ang pagkain nila ay magmumula sa mga handog na pagkaing butil, handog para sa kasalanan, at handog na pambayad ng kasalanan. Ang lahat ng bagay sa Israel na itinalaga para sa akin ay para sa kanila.