Ezekiel 44

“Walang mamanahing lupa ang mga pari ng Israel, dahil ako ang magbibigay ng mga pangangailangan nila.

Ezekiel 44:28 (UKJV) And it shall be unto them for an inheritance: I am their inheritance: and all of you shall give them no possession in Israel: I am their possession.

26Kapag nakahipo siya ng bangkay, kailangan niya ang paglilinis at maghintay ng pitong araw,

27bago siya makapasok sa bakuran sa loob ng Templo at mag-alay ng handog para sa kasalanan para sa kanyang sarili, sabi ng Makapangyarihang Panginoon.

28“Walang mamanahing lupa ang mga pari ng Israel, dahil ako ang magbibigay ng mga pangangailangan nila.

29Ang pagkain nila ay magmumula sa mga handog na pagkaing butil, handog para sa kasalanan, at handog na pambayad ng kasalanan. Ang lahat ng bagay sa Israel na itinalaga para sa akin ay para sa kanila.

30Ang pinakamagandang unang ani ninyo at mga natatanging handog para sa akin ay para sa mga pari. Bigyan din ninyo ng inyong pinakamagandang klase ng harina ang mga pari, upang pagpalain ang sambahayan ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.