Ezekiel 45

Sinabi pa ng Panginoon, “Kapag pinaghati-hati na ninyo ang lupain para sa bawat lahi ng Israel, bigyan ninyo ako ng parte na labintatlong kilometro ang haba at labing-isang kilometro ang luwang. Ang lupaing ito ay ituturing na banal.

Ezekiel 45:1 (UKJV) Moreover, when all of you shall divide by lot the land for inheritance, all of you shall offer an oblation unto the LORD, an holy portion of the land: the length shall be the length of five and twenty thousand reeds, and the breadth shall be ten thousand. This shall be holy in all the borders thereof round about.

1Sinabi pa ng Panginoon, “Kapag pinaghati-hati na ninyo ang lupain para sa bawat lahi ng Israel, bigyan ninyo ako ng parte na labintatlong kilometro ang haba at labing-isang kilometro ang luwang. Ang lupaing ito ay ituturing na banal.

2Ang bahagi nito na mga 265 metrong parisukat ang siyang pagtatayuan ng Templo, at sa paligid ng Templo ay may bakanteng bahagi na walumpuʼt walong metro ang luwang.

3Ang kalahati ng parte kong lupain na labintatlong kilometro ang haba at limang kilometro ang luwang ay ibubukod ko para sa mga paring naglilingkod sa Panginoon sa Templo. Pagtatayuan ito ng mga bahay nila at ng Templo na siyang pinakabanal na lugar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.