Ezekiel 48

Ang lupang ito ay para sa mga hinirang na pari, na anak ni Sadoc, na aking tapat na lingkod. Hindi siya lumayo sa akin, hindi katulad ng ginawa ng ibang Levita na sumáma sa mga Israelitang tumalikod sa akin.

Ezekiel 48:11 (UKJV) It shall be for the priests that are sanctified of the sons of Zadok; which have kept my charge, which went not astray when the children of Israel went astray, as the Levites went astray.

9Ang bahaging ibibigay ninyo sa Panginoon upang pagtayuan ng Templo ay 13 kilometro ang haba at mga limang kilometro ang lawak.

10At ang natitirang kalahati ng lupaing ito ay ibibigay sa mga pari, 13 kilometro ang haba mula sa silangan hanggang sa kanluran, at mga limang kilometro ang lawak mula timog hanggang hilaga. Sa gitna nito ay ang Templo ng Panginoon.

11Ang lupang ito ay para sa mga hinirang na pari, na anak ni Sadoc, na aking tapat na lingkod. Hindi siya lumayo sa akin, hindi katulad ng ginawa ng ibang Levita na sumáma sa mga Israelitang tumalikod sa akin.

12Ito ang natatanging handog para sa kanila sa panahong paghahati-hatiin na ninyo ang lupain, at ito ang kabanal-banalang lupa na hangganan ng teritoryo ng mga Levita.

13Katabi ng lupain ng mga pari ay ang lupain para sa ibang Levita na 13 kilometro ang haba at mga limang kilometro ang lawak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.