Ezekiel 6

‘O mga bundok ng Israel, mga burol, mga lambak, at mga kapatagan, dinggin ninyo ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Padadalhan ko kayo ng digmaan at gigibain ko ang mga sambahan sa matataas na lugar.

Ezekiel 6:3 (UKJV) And say, All of you mountains of Israel, hear the word of the Lord GOD; Thus says the Lord GOD to the mountains, and to the hills, to the rivers, and to the valleys; Behold, I, even I, will bring a sword upon you, and I will destroy your high places.

1Sinabi ng Panginoon sa akin,

2“Anak ng tao, humarap ka sa mga bundok ng Israel at sabihin mo ito sa kanila:

3‘O mga bundok ng Israel, mga burol, mga lambak, at mga kapatagan, dinggin ninyo ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Padadalhan ko kayo ng digmaan at gigibain ko ang mga sambahan sa matataas na lugar.

4Gigibain ko ang mga altar ninyo pati na ang mga altar na pagsusunugan ng insenso at papatayin ko ang mamamayan ninyo sa harap ng inyong mga diyos-diyosan.

5Ikakalat ko ang mga bangkay ninyong mga Israelita sa harap ng inyong mga diyos-diyosan at ikakalat ko rin ang mga buto ninyo sa palibot ng inyong mga altar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.