3‘O mga bundok ng Israel, mga burol, mga lambak, at mga kapatagan, dinggin ninyo ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon: Padadalhan ko kayo ng digmaan at gigibain ko ang mga sambahan sa matataas na lugar.
4Gigibain ko ang mga altar ninyo pati na ang mga altar na pagsusunugan ng insenso at papatayin ko ang mamamayan ninyo sa harap ng inyong mga diyos-diyosan.
5Ikakalat ko ang mga bangkay ninyong mga Israelita sa harap ng inyong mga diyos-diyosan at ikakalat ko rin ang mga buto ninyo sa palibot ng inyong mga altar.
6Saan ka man manirahan na bayan sa Israel, ito ay wawasakin upang masira ang mga sambahan ninyo sa matataas na lugar, mga diyos-diyosan at mga altar pati na ang mga altar na pinagsusunugan ng insenso at ang iba pang ginawa ninyo.
7Mamamatay ang inyong mga mamamayan at malalaman ninyo na ako ang Panginoon.