Ezra 5

Ito ang nilalaman ng sulat na ipinadala ni Tatenai na gobernador, Setar-bozenai at ang kanilang mga kasamang opisyal ng lalawigan sa kanluran ng Ilog Eufrates kay Haring Dario:

Ezra 5:6 (UKJV) The copy of the letter that Tatnai, governor on this side the river, and Shetharboznai and his companions the Apharsachites, which were on this side the river, sent unto Darius the king:

4Nagtanong pa sila, “Ano-ano ang mga pangalan ng mga taong gumagawa ng gusaling ito?”

5Ngunit dahil iningatan ng Diyos ang mga tagapamahala ng mga Hudyo, hindi sila napatigil sa pagpapatayo hanggang sa maipaalam kay Haring Dario ang tungkol dito at makatanggap sila ng kanyang sagot.

6Ito ang nilalaman ng sulat na ipinadala ni Tatenai na gobernador, Setar-bozenai at ang kanilang mga kasamang opisyal ng lalawigan sa kanluran ng Ilog Eufrates kay Haring Dario:

7Mahal na Haring Dario, Nawaʼy nasa mabuti kayong kalagayan.

8“Ipinapaalam po namin, Mahal na Hari, na pumunta kami sa lalawigan ng Juda, doon sa pinagtatayuan ng Templo ng Makapangyarihang Diyos. Malalaking bato ang ginagamit sa pagpapatayo ng Templo, at ang mga pader nito ay nilagyan ng mga troso. Ginagawa po nila ito nang may kasipagan, kaya mabilis ang pagpapatayo nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.