5Ngunit dahil iningatan ng Diyos ang mga tagapamahala ng mga Hudyo, hindi sila napatigil sa pagpapatayo hanggang sa maipaalam kay Haring Dario ang tungkol dito at makatanggap sila ng kanyang sagot.
6Ito ang nilalaman ng sulat na ipinadala ni Tatenai na gobernador, Setar-bozenai at ang kanilang mga kasamang opisyal ng lalawigan sa kanluran ng Ilog Eufrates kay Haring Dario:
7Mahal na Haring Dario, Nawaʼy nasa mabuti kayong kalagayan.
8“Ipinapaalam po namin, Mahal na Hari, na pumunta kami sa lalawigan ng Juda, doon sa pinagtatayuan ng Templo ng Makapangyarihang Diyos. Malalaking bato ang ginagamit sa pagpapatayo ng Templo, at ang mga pader nito ay nilagyan ng mga troso. Ginagawa po nila ito nang may kasipagan, kaya mabilis ang pagpapatayo nito.
9“Tinanong po namin ang mga tagapamahala nila kung sino ang nag-utos sa kanila sa muling pagpapatayo ng Templo.