Ezra 5

“Ipinapaalam po namin, Mahal na Hari, na pumunta kami sa lalawigan ng Juda, doon sa pinagtatayuan ng Templo ng Makapangyarihang Diyos. Malalaking bato ang ginagamit sa pagpapatayo ng Templo, at ang mga pader nito ay nilagyan ng mga troso. Ginagawa po nila ito nang may kasipagan, kaya mabilis ang pagpapatayo nito.

Ezra 5:8 (UKJV) Be it known unto the king, that we went into the province of Judea, to the house of the great God, which is built with great stones, and timber is laid in the walls, and this work goes fast on, and prospers in their hands.

6Ito ang nilalaman ng sulat na ipinadala ni Tatenai na gobernador, Setar-bozenai at ang kanilang mga kasamang opisyal ng lalawigan sa kanluran ng Ilog Eufrates kay Haring Dario:

7Mahal na Haring Dario, Nawaʼy nasa mabuti kayong kalagayan.

8“Ipinapaalam po namin, Mahal na Hari, na pumunta kami sa lalawigan ng Juda, doon sa pinagtatayuan ng Templo ng Makapangyarihang Diyos. Malalaking bato ang ginagamit sa pagpapatayo ng Templo, at ang mga pader nito ay nilagyan ng mga troso. Ginagawa po nila ito nang may kasipagan, kaya mabilis ang pagpapatayo nito.

9“Tinanong po namin ang mga tagapamahala nila kung sino ang nag-utos sa kanila sa muling pagpapatayo ng Templo.

10At tinanong din namin ang mga pangalan nila upang maipaalam namin sa inyo kung sino ang mga namumuno sa pagpapatayo nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.