2Ang lupa noon ay wala pang anyo at wala pang laman. Ang tubig na pumapaibabaw sa lahat ay balot ng kadiliman, at ang Espiritu ng Diyos ay kumikilos sa ibabaw ng tubig.
3Sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon nga ng liwanag.
4Nasiyahan ang Diyos sa liwanag na nakita niya. Pagkatapos, ihiniwalay niya ang liwanag sa kadiliman.
5Tinawag niyang “araw” ang liwanag, at “gabi” naman ang kadiliman. Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang unang araw.
6Pagkatapos, sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng kalawakan na maghihiwalay sa tubig sa dalawang bahagi.”