3Sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon nga ng liwanag.
4Nasiyahan ang Diyos sa liwanag na nakita niya. Pagkatapos, ihiniwalay niya ang liwanag sa kadiliman.
5Tinawag niyang “araw” ang liwanag, at “gabi” naman ang kadiliman. Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang unang araw.
6Pagkatapos, sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng kalawakan na maghihiwalay sa tubig sa dalawang bahagi.”
7At nagkaroon nga ng kalawakan na naghihiwalay sa tubig sa itaas at sa tubig sa ibaba.