Genesis 1

Pagkatapos, sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng kalawakan na maghihiwalay sa tubig sa dalawang bahagi.”

Genesis 1:6 (UKJV) And God said, Let there be a firmament in the midst of the waters, and let it divide the waters from the waters.

4Nasiyahan ang Diyos sa liwanag na nakita niya. Pagkatapos, ihiniwalay niya ang liwanag sa kadiliman.

5Tinawag niyang “araw” ang liwanag, at “gabi” naman ang kadiliman. Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang unang araw.

6Pagkatapos, sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng kalawakan na maghihiwalay sa tubig sa dalawang bahagi.”

7At nagkaroon nga ng kalawakan na naghihiwalay sa tubig sa itaas at sa tubig sa ibaba.

8Ang kalawakang itoʼy tinawag ng Diyos na “langit.” Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang ikalawang araw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.