Genesis 19

Nang nasa labas na sila ng lungsod, sinabi ng isang anghel, “Tumakbo kayo! Huwag kayong lilingon, o hihinto sa kahit saan dito sa kapatagan! Tumakbo kayo papunta sa bundok upang hindi kayo mamatay!”

Genesis 19:17 (UKJV) And it came to pass, when they had brought them forth abroad, that he said, Escape for your life; look not behind you, neither stay you in all the plain; escape to the mountain, lest you be consumed.

15Nang magbubukang-liwayway na, pinagmadali si Lot ng mga anghel na umalis sa lungsod. Sinabi nila, “Bilisan mo! Dalhin mo ang asawa mo at ang dalawang anak mong babae na nandito, at umalis kayo agad, dahil baka madamay kayo kapag nilipol na ang lungsod na ito dahil sa sobrang sama ng mga tao rito.”

16Hindi pa sana aalis si Lot. Ngunit dahil naaawa ang Panginoon sa kanila, hinawakan sila ng mga anghel sa kamay at dinala palabas ng lungsod.

17Nang nasa labas na sila ng lungsod, sinabi ng isang anghel, “Tumakbo kayo! Huwag kayong lilingon, o hihinto sa kahit saan dito sa kapatagan! Tumakbo kayo papunta sa bundok upang hindi kayo mamatay!”

18Ngunit sumagot si Lot, “Mga panginoon ko, huwag nʼyo na po akong patakbuhin papunta sa bundok.

19Kinahabagan nʼyo po ako at ipinakita ang nʼyo ang inyong dakilang kabutihan sa akin sa pagliligtas ninyo sa buhay ko. Ngunit napakalayo po ng bundok; baka maabutan ako ng sakuna at mamatay ako bago makarating doon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.