Genesis 30

Ibinukod niya ito kay Jacob sa layo na tatlong araw kung lalakarin. Ang naiwang mga hayop ay ang binabantayan ni Jacob.

Genesis 30:36 (UKJV) And he set three days' journey between himself and Jacob: and Jacob fed the rest of Laban's flocks.

34Sumagot si Laban, “Kung ganyan ang gusto mo, payag ako.”

35Ngunit nang araw ding iyon, ibinukod ni Laban ang mga batik-batik na kambing na lalaki at babae, pati ang mga itim na tupa. Pinaalagaan niya ito sa mga anak niyang lalaki.

36Ibinukod niya ito kay Jacob sa layo na tatlong araw kung lalakarin. Ang naiwang mga hayop ay ang binabantayan ni Jacob.

37Samantala, kumuha si Jacob ng mga sanga ng alamo, almendra, at platano, at binalat-balatan niya ito. Ngunit hindi niya lubos na binalatan, kaya may batik-batik na puti kapag tiningnan ang mga sanga.

38Inilagay niya ang mga sangang iyon sa painuman upang nasa harapan ng mga kawan kapag umiinom sila, sapagkat doon nagkakastahan ang mga ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.