Genesis 30

Inilagay niya ang mga sangang iyon sa painuman upang nasa harapan ng mga kawan kapag umiinom sila, sapagkat doon nagkakastahan ang mga ito.

Genesis 30:38 (UKJV) And he set the rods which he had stripped before the flocks in the gutters in the watering troughs when the flocks came to drink, that they should conceive when they came to drink.

36Ibinukod niya ito kay Jacob sa layo na tatlong araw kung lalakarin. Ang naiwang mga hayop ay ang binabantayan ni Jacob.

37Samantala, kumuha si Jacob ng mga sanga ng alamo, almendra, at platano, at binalat-balatan niya ito. Ngunit hindi niya lubos na binalatan, kaya may batik-batik na puti kapag tiningnan ang mga sanga.

38Inilagay niya ang mga sangang iyon sa painuman upang nasa harapan ng mga kawan kapag umiinom sila, sapagkat doon nagkakastahan ang mga ito.

39At kapag nagkakastahan ang mga ito sa harap ng mga sanga, ang mga ipinapanganak nila ay nagiging batik-batik.

40At ibinukod ni Jacob ang mga anak nila sa kawan. Ngunit ang iba habang nagkakastahan ay pinapaharap niya sa mga batik-batik at mga itim na kambing ni Laban. Kaya nakaipon din si Jacob ng sarili niyang mga kawan at hindi niya ito isinama sa mga kawan ni Laban.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.