Genesis 30

Samantala, kumuha si Jacob ng mga sanga ng alamo, almendra, at platano, at binalat-balatan niya ito. Ngunit hindi niya lubos na binalatan, kaya may batik-batik na puti kapag tiningnan ang mga sanga.

Genesis 30:37 (UKJV) And Jacob took him rods of green poplar, and of the hazel and chestnut tree; and stripped white strakes in them, and made the white appear which was in the rods.

35Ngunit nang araw ding iyon, ibinukod ni Laban ang mga batik-batik na kambing na lalaki at babae, pati ang mga itim na tupa. Pinaalagaan niya ito sa mga anak niyang lalaki.

36Ibinukod niya ito kay Jacob sa layo na tatlong araw kung lalakarin. Ang naiwang mga hayop ay ang binabantayan ni Jacob.

37Samantala, kumuha si Jacob ng mga sanga ng alamo, almendra, at platano, at binalat-balatan niya ito. Ngunit hindi niya lubos na binalatan, kaya may batik-batik na puti kapag tiningnan ang mga sanga.

38Inilagay niya ang mga sangang iyon sa painuman upang nasa harapan ng mga kawan kapag umiinom sila, sapagkat doon nagkakastahan ang mga ito.

39At kapag nagkakastahan ang mga ito sa harap ng mga sanga, ang mga ipinapanganak nila ay nagiging batik-batik.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.