Genesis 36

Ang mga anak na lalaki ni Lotan ay sina Hori at Heman. Si Lotan ay mayroong kapatid na babae na si Timna.

Genesis 36:22 (UKJV) And the children of Lotan were Hori and Hemam; and Lotan's sister was Timna.

20Ito ang mga anak na lalaki ni Seir na Horeo na nakatira sa Edom: Si Lotan, Sobal, Zibeon, Ana,

21Dishon, Eser at Disan. Naging pinuno rin sila ng mga Horeo na mga lahi ni Seir na unang tumira sa Edom.

22Ang mga anak na lalaki ni Lotan ay sina Hori at Heman. Si Lotan ay mayroong kapatid na babae na si Timna.

23Ang mga anak na lalaki ni Sobal ay sina Alvan, Manahat, Ebal, Zefo at Onam.

24Ang mga anak na lalaki ni Zibeon ay sina Aias at Ana. (Si Ana ang nakatuklas ng bukal doon sa ilang habang nagpapastol siya ng mga asno ng kanyang ama.)

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.