Genesis 7

Bumaha sa daigdig sa loob ng apatnapung araw. Habang tumataas ang tubig, inaangat naman nito ang barko mula sa lupa.

Genesis 7:17 (UKJV) And the flood was forty days upon the earth; and the waters increased, and bare up the ark, and it was lift up above the earth.

15Pares-pares na dumating ang lahat ng nilalang na ito kay Noe at pumasok sa barko.

16Ang mga pares na pumasok ay lalaki at babae ng lahat ng uri ng nilalang ayon sa utos ng Diyos. Pagkatapos, isinara ng Panginoon ang pinto ng barko.

17Bumaha sa daigdig sa loob ng apatnapung araw. Habang tumataas ang tubig, inaangat naman nito ang barko mula sa lupa.

18Dumagsa ang tubig at pataas ito nang pataas, at lumulutang naman ang barko sa ibabaw nito.

19Tumaas pa nang lubusan ang tubig hanggang sa matakpan ang lahat ng matataas na bundok sa ilalim ng langit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.